Joshua 7:26
Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 25:8Sinundan niya ang lalaking Israelita sa tolda at isinaksak ang sibat sa kapwa nilang katawan, sa lalaking Israelita at sa babae. Kaya natigil ang salot na ipinadala ng Diyos sa mga tao ng Israel.
Deuteronomy 13:18Gagawin niya ito dahil nakikinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinabi ko sa inyo ngayon, para gawin iyon na siyang tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.
Joshua 8:29Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
2 Samuel 18:17Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
2 Chronicles 29:10Ngayon, nasa aking puso na gumawa ng isang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang sa gayon ay maaaring mawala ang kaniyang matinding galit sa atin.
Psalms 85:4Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.