Joshua 8:29
Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
30Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal,
Cross References
Deuteronomy 21:23sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
Joshua 8:23Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
Joshua 10:27Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
Joshua 10:33Pagkatapos dumating si Horam, hari ng Gezer para tulungan ang Lachish. Sinalakay siya ni Josue at ang kaniyang hukbo hanggang walang nakaligtas na naiwan.
2 Samuel 18:17Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
Psalms 107:40Nagbuhos siya ng galit sa mga pinuno at nagdulot sa kanila na maligaw sa ilang, kung saan walang mga daan.