Joshua 8:35
Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:2Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
Deuteronomy 29:10Nakatayo kayo ngayong araw, kayong lahat, sa harapanni Yahweh na inyong Diyos; ang mga nangunguna sa inyo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga nakatatanda, at ang inyong mga opisiyal—lahat ng mga kalalakihan ng Israel,
Deuteronomy 31:12Tipunin ang mga tao, ang mga kalalakihan, ang mga kababaihan, ang mga kabataan, at inyong dayuhan na nasa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod, para makarinig sila at matuto, at para maaari nilang parangalan si Yahweh na inyong Diyos at sundin ang lahat ng mga salita nitong kautusan.
Nehemiah 8:2Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.
Jeremiah 26:2“Sinasabi ito ni Yahweh: Tumayo ka sa patyo ng aking tahanan at magsalita sa lahat ng mga lungsod ng Juda na pumupunta upang sumamba sa aking tahanan. Ipahayag mong lahat ang mga salitang iniutos ko sa iyo na iyong sasabihin sa kanila. Huwag mong babawasan ng kahit na anumang salita!
Mark 10:14Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, “Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos.