Joshua 8:4
Inutusan niya sila, “Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 8:16Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
Judges 9:32Ngayon, tumayo ka sa gabi, ikaw at ang mga sundalong kasama mo, at maghanda ng isang pananambang sa mga bukirin.
Judges 20:33Bumangon ang lahat ng mga tao ng Israel mula sa kanilang mga lugar at binuo ang kanilang mga sarili sa hanay para makipagdimaan sa Baal Tamar. Pagkatapos ang mga sundalo ng Israel na nagtatago sa mga lihim na mga lugar ay lumabas sa kanilang mga lugar mula sa Maare Gibea.
1 Samuel 15:2Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Natandaan ko kung ano ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paglaban sa kanila sa daan, nang lumabas sila sa Ehipto.
2 Kings 7:12Pagkatapos bumangon ang hari kinagabihan at sinabi sa kaniyang mga lingkod, “Sasabihin ko sa inyo ngayon ang ginawa ng mga Aramean sa atin. Alam nilang gutom tayo, kaya umalis sila ng kampo para magtago sa mga bukirin. Sinasabi nila, “Sa oras na lumabas sila sa lungsod, kukunin natin sila nang buhay, at papasok tayo sa lungsod.'”
Ecclesiastes 9:16Kaya pinagpalagay ko, “Ang karunungan ay mas mainam kaysa sa kalakasan, ngunit ang karunungan ng mahirap na tao ay hinamak at ang kaniyang mga salita ay hindi pinakinggan.”