Joshua 9:20
Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 21:1May taggutom ng panahon ni David ng tatlong taon na magkakasunod, at hinanap ni David ang mukha ni Yahweh. Kaya sinabi ni Yahweh, “Kaya may taggutom sa iyo dahil kay saul at sa mapanganib niyang pamiya, dahil inilagay niya ang mga lahi ni Gibeon sa kamatayan.”
Proverbs 20:25Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata.
Ezekiel 17:15Ngunit ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik laban sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at ng hukbo. Siya ba ay magtatagumpay? Makatatakas ba ang taong gumagawa ng mga bagay na ito? Kung lalabagin niya ang kasunduan, makatatakas ba siya?
Zechariah 5:3Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na darating sa ibabaw ng buong lupain, sapagkat mula ngayon, aalisin ang bawat magnanakaw batay sa sinasabi nito sa isang panig habang aalisin ang lahat ng nangako ng isang hindi totoong panata batay sa sinasabi nito sa kabilang panig, ayon sa kanilang mga salita.
Malachi 3:5“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
1 Timothy 1:10para sa mga taong mahahalay, at sa mga nakikipagtalik sa parehong kasarian, at sa mga nangunguha ng mga tao para gawing mga alipin, para sa mga sinungaling, para sa mga huwad na saksi, at para sa anumang salungat sa mabuting alituntunin.