Mga Hukom 1:4
Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:28Magpapadala ako ng mga putakti sa unahan mo para palayasin ang mga Heveo, Cananeo, at ang mga Heteo sa harapan mo.
Deuteronomy 9:3Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
Joshua 11:6Sinabi ni Yahweh kay Josue, “ Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe.”
Judges 11:32Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
1 Samuel 14:6Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao.”
1 Samuel 17:46Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,