Mga Hukom 10:14
Humayo at tawagin ninyo ang ibang mga diyus-diyosan na inyong sinamba. Hayaan silang magligtas sa inyo kapag kayo ay nagkaroon ng gulo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Go and cry unto the gods which ye have chosen; let them deliver you in the time of your tribulation.
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:26Sinabi ko na ikakalat ko sila ng malayo, para mapawi ang kanilang alaala mula sa sangkatauhan.
Deuteronomy 32:38Ang mga diyos na kumain ng mga taba ng kanilang mga sakripisyo at uminom ng alak na kanilang mga handog na inumin? Hayaan silang bumangon at tulungan kayo; hayaan sila ang mag-ingat ninyo.
2 Kings 3:13Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Ano ang kinalaman ko sa iyo? Pumunta ka sa mga propeta ng iyong ama at ina.” Kaya sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, “Hindi, dahil tinawag kaming tatlong hari ni Yahweh, para matalo kami ng Moab.”
Isaiah 10:3Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?
Isaiah 57:13Kapag kayo ay umiiyak, hayaan ninyong sagipin kayo ng mga inipon ninyong mga diyus-diyosan. Sa halip ay tatangayin silang lahat ng hangin palayo, ang isang hininga ang tatangay sa kanila palayo. Ngunit ang nagkukubli sa akin ay magmamana ng lupain at magmamay-ari ng aking banal na bundok.
Ezekiel 20:39Kaya sa iyo, sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang bawat isa sa inyo ay dapat pumunta sa kaniyang sariling diyus-diyosan. Sambahin ninyo sila kung ayaw ninyong makinig sa akin, ngunit hindi na ninyo dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng inyong mga kaloob at mga diyus-diyosan.