Mga Hukom 10:16
Lumayo sila mula sa mga dayuhang diyus-diyosan na pag-aari nila at sinamba si Yahweh. At hindi na niya matiis ang paghihirap ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:36Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.
Judges 2:18Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
1 Samuel 12:10Umiyak sila kay Yahweh at sinabi, “Nagkasala kami, dahil tinalikuran namin si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at sa mga Astoret. Subalit iligtas kami ngayon mula sa kamay ng aming mga kaaway, at paglilingkuran ka namin.'
2 Chronicles 7:14Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
2 Chronicles 33:15Inalis niya ang mga diyos ng mga dayuhan, inalis niya ang mga diyus-diyosang mula sa tahanan ni Yahweh at lahat ng altar na itinayo niya sa bundok ng tahanan ni Yahweh at sa Jerusalem, at itinapon ang mga ito palabas ng lungsod.
Psalms 106:45Inalala niya ang kaniyang pangako at nahabag dahil sa kaniyang katapatan sa tipan.