Mga Hukom 11:35
Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:34Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
Leviticus 27:28Gayunman, walang taong maglalaan kay Yahweh mula sa anumang bagay na mayroon siya, maging tao o hayop, o lupa ng kanyang pamilya, na maaaring ipagbili o tinubos. Bawat inilaan na bagay ay banal kay Yahweh.
Numbers 30:2Kapag gumawa ng panata ang sinuman kay Yahweh, o sumumpa ng isang panunumpa upang itali ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang pangako, hindi niya dapat sirain ang kaniyang salita. Dapat niyang tuparin ang kaniyang pangako na gawin ang lahat ng bagay na lumabas sa kaniyang bibig.
Joshua 7:6Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
1 Samuel 14:44Sinabi ni Saul, “Gawin ng Diyos at higit din sa akin, kung hindi ka mamatay, Jonatan.”
2 Samuel 18:33Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, “Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!”