Judges 11:39
Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
1 Samuel 1:11Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
1 Samuel 1:24Nang hindi na niya siya pinapasuso, isinama niya siya kasama ang tatlong taong gulang na toro, isang epa ng pagkain at isang bote ng alak, at dinala niya siya sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Ngayon ang anak niya ay bata pa.
1 Samuel 2:18Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod.
Isaiah 66:3Sinumang pumapatay ng baka ay pumapatay din ng isang tao; ang siyang nag-aalay ng isang tupa ay bumabali rin ng leeg ng isang aso; ang siyang naghahandog ng isang butil ay naghahandog din ng dugo ng baboy; ang siyang naghahandog ng isang pang-alaala na insenso ay nagpapala rin ng kasamaan. Pinili nila ang kanilang sariling mga paraan, at natutuwa sila sa kanilang kalapastanganan.