Mga Hukom 16:20
Sinabi niya, “Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, “Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. “Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:9Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
Numbers 14:43Nandoon ang mga Amalekita at mga Cananeo at mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada dahil tumalikod kayo mula sa pagsunod kay Yahweh. Kaya hindi niya kayo sasamahan.”
Joshua 7:12Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
Judges 16:9Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!” Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas.
1 Samuel 16:14Ngayon ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul, at sa halip isang masamang espiritu na mula kay Yahweh ang bumagabag sa kanya.
1 Samuel 18:12Natakot si Saul kay David, dahil kasama niya si Yahweh, ngunit hindi na kasama ni Saul.