Mga Hukom 16:25
Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 9:27Lumabas sila sa bukirin at nagtipon ng mga ubas mula sa mga ubasan, at tumapak sa mga ito. Nagdaos sila ng pagdiriwang sa bahay ng kanilang diyos, kung saan kumain sila at uminom, at isinumpa nila si Abimelec.
Judges 19:6Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, “Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya.”
2 Samuel 13:28Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
Esther 3:15Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.
Psalms 35:15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
Psalms 69:26Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.