Mga Hukom 18:10
Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Deuteronomy 4:1Ngayon, Israel, makinig kayo sa mga batas at mga panuntunan na ituturo ko sa inyo, gawin ang mga ito; ng sa gayon maaari kayong mabuhay at makapasok at angkinin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama.
Deuteronomy 8:9Ito ay isang lupain kung saan makakakain kayo ng tinapay nang hindi nagkukulang, at kung saan walang magkukulang sa inyo; isang lupain na ang mga bato ay gawa sa bakal, at mula sa kaniyang mga burol maaari kayong makahukay ng tanso.
Joshua 2:23Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
Joshua 6:16Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
Judges 18:27Kinuha ng bayan ng Dan kung ano ang ginawa ni Mikias, kasama rin pati ang kaniyang pari, at nakarating sila sa Lais, sa mga tao na siyang panatag at ligtas at pinatay nila sila gamit ang espada at sinunog ang lungsod.