Mga Hukom 18:2
Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 42:9Naalala ni Jose ang mga naging panaginip niya patungkol sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mga ispiya. Dumayo kayo para tingnan ang mga bahagi ng lupain na hindi nababantayan.”
Joshua 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Joshua 17:15Sinabi ni Josue sa kanila, “Kung kayo ay isang bayan na marami ang bilang, umakyat kayo mismo sa kagubatan at doon linisin ang lupa para sa inyong mga sarili sa lupain ng mga Perezeo at ng Rephaim. Gawin ito, yamang napakaliit ng maburol na lupain ng Efraim para sa inyo.”
Judges 13:2Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak.
Judges 16:31Pagkatapos bumaba ang kaniyang mga kapatid at ang lahat na kasama sa bahay ng kaniyang ama, at siya ay Kinuha nila, at dinala siya pabalik at inilibing sa gitna ng Zora at Estaol, sa lugar ng libingan ng Manao, na kaniyang ama. Humatol si Samson sa Israel sa loob ng dalawangpung taon.
Judges 18:8Bumalik sila sa kanilang lipi sa Zora at Estaol. Tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak, “Ano ang inyong balita?”