Mga Hukom 19:16
Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 19:1Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda.
Psalms 104:23Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi.
Proverbs 13:11Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan, pero ang siyang kumikita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang kamay ay mapapalago ang kaniyang salapi.
Proverbs 24:27Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
Ecclesiastes 5:12Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing.
1 Thessalonians 4:11Hinihikayat rin namin kayo na pagsumikapan ninyong mamuhay ng tahimik, gawin ninyo ang inyong sariling gawain, at magtrabaho kayo sa inyong sariling mga kamay, gaya ng inutos namin sa inyo.