Mga Hukom 19:20
Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:31At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.”
Judges 6:23Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.”
1 Chronicles 12:18Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan.
John 14:27Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
1 Corinthians 1:3Nawa ay sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Hebrews 13:2Huwag kalimutang malugod na tanggapin ang mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ay hindi ninyo alam na ang iba sa mga tinatanggap ninyo ay mga anghel.