Mga Hukom 19:5
Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, “Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:5Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.”
1 Samuel 14:27Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
1 Kings 13:7Sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Sumama ka sa aking tahanan at magpalakas, at bibigyan kita ng isang gantimpala.”
John 4:34Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa.