Judges 2:13
humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And they forsook the LORD, and served Baal and Ashtaroth.
In Context
Cross References
Judges 2:11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.
Judges 10:6Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh.
1 Samuel 12:10Umiyak sila kay Yahweh at sinabi, “Nagkasala kami, dahil tinalikuran namin si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at sa mga Astoret. Subalit iligtas kami ngayon mula sa kamay ng aming mga kaaway, at paglilingkuran ka namin.'
1 Kings 11:5Sinunod ni Solomon si Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio, at sumunod siya kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Amonita.
2 Kings 23:13Hinamak ni Josias ang mga dambana na nasa silangan ng Jerusalem, sa katimugan ng Bundok ng Katiwalian na itinayo ni Solomon ang hari ng Israel para kay Astoret, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Sidonio, para kay Quemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab; at para kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga mamamayan ng Ammon.
2 Chronicles 28:3Bukod pa roon, nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom at inialay niya ang mga anak niya bilang mga alay na susunugin, alinsunod sa kalapastanganan ng mga lahing pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita.