Judges 2:3
Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:33Hindi sila dapat manirahan sa iyong lupain o gagawin ka nilang makasalanan laban sa akin. Kung sambahin mo ang kanilang diyos, siguradong ito ay magiging bitag para sa iyo.”
Numbers 33:55Subalit kung hindi ninyo itataboy ang mga naninirahan sa lupain sa harapan ninyo, sa gayon ang mga taong pinayagan ninyong manatili ay magiging parang mga muta sila sa inyong mga mata at magiging tinik sa inyong mga tagiliran. Gagawin nilang mahirap ang inyong buhay sa lupain kung saan kayo maninirahan.
Joshua 23:13pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
Judges 3:6Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan.
1 Kings 11:1Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—