Mga Hukom 20:27
Tinanong ng bayana ng Israel si Yahweh—dahil ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon sa mga araw na iyon,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 27:21Pupunta siya sa harapan ni Eleazar na pari upang hingin ang aking kalooban sa mga desisyon sa Urim para sa kaniya. Ito ay magiging kaniyang mga utos na ang mga tao ay lalabas at papasok, siya at ang lahat ng mga tao ng Israel na kasama niya, ang buong sambayanan.”
Judges 1:1Pagkatapos mamatay ni Josue, ang mga Israelita ay nagtanong kay Yahweh, sa pagsasabing, “Sino ang mamumuno sa amin kapag kami ay sumalakay at nakipaglaban sa mga Cananeo?”
Judges 20:23At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: “Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?” At sinabi ni Yahweh, “Lusubin sila!”
1 Samuel 10:3Pagkatapos magpapatuloy ka mula roon, at makakarating ka sa owk ng Tabor. Sasalubungin ka roon ng tatlong lalaking papunta sa Diyos sa Bethel, ang isa ay may dalang tatlong batang kambing, ang isa ay may dalang tatlong pirasong tinapay at ang isa ay may dalang isang balat na sisidlan ng alak.
Psalms 78:60Iniwan niya ang banal na santuwaryo ng Shilo, ang tolda kung saan siya naninirahan kasama ng mga tao.
Jeremiah 7:12'Kaya pumunta kayo sa aking lugar na nasa Shilo, kung saan hinayaan ko ang aking pangalan na manatili doon sa simula pa at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko doon dahil sa kasamaan ng aking mga taong Israel.