Judges 21:19
Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:2“Kausapin mo ang bayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, kung saan dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong, ay karaniwang mga pista sa akin.
Leviticus 23:6Sa ikalabing-limang araw sa parehong buwan ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura para kay Yahweh. Dapat ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw.
Leviticus 23:34“Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw.
Numbers 28:16Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, dumadating ang Paskua ni Yahweh.
Numbers 29:12Sa ika labing limang araw ng ikapitong buwan dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon, at dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw para sa kaniya.
Deuteronomy 16:10Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.