Judges 21:22
Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:13Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka.
Judges 21:7Sino ang magbibigay ng mga asawang babae para sa mga naiwan, dahil mayroon tayong ginawang isang pangako kay Yahweh na hindi natin hahayaan ang sinuman sa kanila na maipakasal sa ating mga anak na babae?”
Judges 21:18Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”'
Mark 10:6Ngunit sa simula pa lamang ng paglikha, 'Ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.'
Philemon 1:9sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus.