Judges 4:2
Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 11:10Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
Judges 4:16Pero tinugis ni Barak ang mga karwaheng pandigma at ang hukbo patungo sa Haroset ng mga Hentil, at ang buong hukbo ni Sisera ay namatay sa pamamagitan ng talim ng espada, at wala ni isa mang nakaligtas.
1 Samuel 12:9Subalit kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos; ipinagbili niya sila sa kamay ni Sisera, kapitan ng mga hukbo ni Hazor, sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari ng Moab; nakigpaglaban silang lahat sa inyong mga ninuno.
Isaiah 50:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Nasaan ang katibayan ng paghihiwalay na ginamit ko para hiwalayan ang inyong ina? At kanino sa mga tagapagbili ko kayo pinagbili? Tingnan ninyo, pinagbili kayo dahil sa inyong mga kasalanan, at dahil sa inyong paghihimagsik, pinatapon ang inyong ina.