Mga Hukom 5:12
Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 57:8Gumising ka, marangal kong puso; gumising kayo, plauta at alpa; gigisingin ko ang bukang-liwayway.
Psalms 68:18Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
Psalms 108:2Gising, lira at alpa; gigisingin ko ang madaling araw.
Isaiah 33:1Kayo ay kaawa-awa, kayong mga tagawasak na hindi pa nawawasak! Kaawa-awa kayong mga taksil na hindi pinagtaksilan! Kapag itinigil ninyo ang pangwawasak, kayo ay mawawasak. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil, sila ay magtataksil sa inyo.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Isaiah 52:1Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.