Mga Hukom 7:15
Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, “Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:26Pagkatapos yumuko ang lalaki at sumamba kay Yahweh.
Genesis 40:8Sinabi nila sa kanya, “Pareho kaming nanaginip ng isang panaginip at wala ni isa ang makapagpaliwanag nito.” Sinabi ni Jose sa kanila, “Hindi ba ang mga pagpapaliwanag ay nabibilang sa Diyos? Pakiusap, sabihin niyo sa akin.”
Exodus 4:30Sinabi ni Aaron ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh kay Moises. Ipinakita niya rin ang mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh sa paningin ng mga tao.
Judges 4:14Sinabi ni Debora kay Barak, “Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?” Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya.
1 Samuel 14:12Pagkatapos tumawag ang kalalakihan ng kampo kina Jonatan at sa kanyang tagapagdala ng baluti, at sinabi, “Umakyat kayo dito sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay.” Sinabi ni Jonatan sa kanyang tagapagdala ng baluti, “Sumunod ka sa akin, dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel.”
2 Corinthians 10:4Dahil ang aming sandata sa aming pakikipaglaban ay hindi makalaman. Sa halip, mayroon silang dakilang kapangyarihan para wasakin ang mga kuta. Dinadala nila sa wala ang mga maling pangangatuwiran.