Judges 7:2
Sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Napakaraming sundalo sa akin para mabigyan kita ng tagumpay laban sa mga Midianita. Tiyaking hindi magmamayabang ang Israel laban sa akin, sa pagsasabing, 'Iniligtas tayo ng ating sariling kapangyarihan.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:4Dapat magpadala ang bawat tribu sa buong Israel ng isang libong kawal sa digmaan.”
Deuteronomy 32:27Kung hindi lang sa pagmamayabang ng kaaway, at baka ang kanilang kaaway ay magkamali, at kanilang sasabihin, 'Itaas ang ating kamay,' Nagawa ko na sana ang lahat ng mga ito.
2 Chronicles 14:11Tumangis si Asa kay Yahweh na kaniyang Diyos at sinabi, “Yahweh, walang iba kundi ikaw lamang ang tumutulong sa mga mahihina kapag humaharap sa mga kaaway. Tulungan mo kami Yahweh na aming Diyos sapagkat umaasa kami sa iyo at sa iyong pangalan, narito kami laban sa ganito karaming bilang. Yahweh, ikaw ang aming Diyos, huwag mong hayaang matalo ka ng tao.”
Isaiah 2:17Ang yabang ng tao ay ibababa at ang kapalaluan ng mga tao ay babagsak; tanging si Yahweh lang ang itataas sa araw na iyon.
Jeremiah 9:23Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan.
Ezekiel 28:17Ang iyong puso ay mapagmataas dahil sa iyong kagandahan; sinira mo ang iyong karunungan dahil sa inyong kaningningan! Inihagis kita sa lupa! Inilagay kita sa harapan ng mga hari upang makita ka nila!