Judges 7:21
Tumayo ang bawat lalaki sa kaniyang lugar sa palibot ng kampo at nagsitakbuhan ang lahat ng mga hukbo ng Midianita. Sumigaw sila at tumakbo palayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:13Sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Manatili at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Yahweh na ibibigay sa inyo ngayon. Dahil hindi ninyo na makikita muli ang mga taga-Ehipto na nakikita ninyo ngayon.
1 Kings 20:20Pinatay ng bawat isa ang kaniyang kalaban, at ang mga Aramina ay tumakas; Hinabol sila ng Israel. Si Ben Hadad ang hari ng Aram ay tumakas na nakasakay ng kabayo kasama ang mga ilang mangangabayo.
2 Kings 7:7Kaya tumayo ang mga sundalo at tumakas nang mag-gagabi na; iniwan nila ang kanilang mga tolda, mga kabayo, mga asno, at ang kampo sa lagay nito, at tumakas para sa mga buhay nila.
2 Chronicles 20:17Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.”
Proverbs 28:1Ang masamang tao ay tumatakbo kahit walang humahabol sa kanila, ngunit ang mga gumagawa ng tama ay kasintapang ng batang leon.
Isaiah 30:15Dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Ang Banal ng Israel, “Sa panunumbalik at pagpapahinga kayo ay maliligtas; sa katahimikan at sa pagtitiwala ang inyong magiging kalakasan. Pero hindi kayo pumapayag.