Mga Hukom 9:5
Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:11Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita.
Judges 8:30Naging ama si Gideon ng pitumpung anak na lalaki, dahil nagkaroon siya ng maraming asawa.
1 Kings 1:12Kaya ngayon, payuhan kita, para maligtas mo ang sarili mong buhay at ang buhay ng iyong anak na si Solomon.
2 Kings 10:17Nang dumating siya sa Samaria, pinatay ni Jehu ang lahat ng natitira mula sa mga kaapu-apuhan ni Ahab sa Samaria, hanggang mawasak niya ang maharlikang angkan ni Ahab, gaya lamang ng sinabi sa kanila dati sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, na sinabi niya kay Elias.
2 Kings 11:3Kasama niya si Jehoseba sa pagtatago sa tahanan ni Yahweh sa loob ng anim na taon, habang si Atalia ang naghahari sa lupain.
Matthew 2:16Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.