The Bible Software
bible.software › Mga Panaghoy › Mga Panaghoy 1 › Mga Panaghoy 1:15

Mga Panaghoy 1:15

Itinaboy ng Panginoon ang lahat ng aking mga makapangyarihang kalalakihang nagtatanggol sa akin. Tinawag niya ang kapulungan laban sa akin upang durugin ang aking malalakas na mga kalalakihan. Niyapakan ng Panginoon ang birheng anak na babae ng Juda tulad ng mga ubas sa isang pigaan ng alak.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

The Lord hath trodden under foot all my mighty men in the midst of me: he hath called an assembly against me to crush my young men: the Lord hath trodden the virgin, the daughter of Judah, as in a winepress.

In Context

14Iginapos nang sama-sama sa pamamagitan ng kaniyang kamay ang pamatok ng aking mga paglabag. Pinagsama-sama at inilagay sa aking leeg. Pinanglulupaypay niya ang aking kalakasan. Ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, at wala akong kakayahang tumayo.

16Tumatangis ako dahil sa mga bagay na ito. Ang aking mga mata, dumadaloy ang tubig pababa mula sa aking mga mata dahil ang tagapag-aliw na dapat magpanumbalik ng aking buhay ay malayo sa akin. Napabayaan ang aking mga anak dahil nagtagumpay ang kaaway.

Read all of Mga Panaghoy 1

Cross References

Judges 10:8Dinurog at inapi nila ang bayan ng Israel nang taong iyon at sa loob ng labingwalong taon inapi nila ang bayan ng Israel na nasa ibayo ng Jordan sa lupain ng mga Amoreo, na nasa Galaad.

2 Kings 24:14Dinala niyang bihag ang lahat ng Jerusalem, mga pinuno at mga mandirigma, sampung libong mga bihag, at lahat ng mga mahuhusay na manggagawa at mga panday. Walang naiwan kung hindi ang mga pinakamahihirap na mga tao sa lupain.

Psalms 119:118Itinatakwil mo ang lahat ng mga nalilihis mula sa iyong mga alituntunin, dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.

Isaiah 28:18Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito.

Isaiah 63:3Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas sa pigaan, at walang sinuman mula sa mga bansa ang sumama sa akin. Tinapakan ko sila sa aking poot at dinurog ko sila sa aking matinding galit. Tumilamsik ang kanilang dugo at minantsahan ang lahat ng aking kasuotan.

Jeremiah 18:21Samakatwid ipasakamay mo ang kanilang mga anak sa pagkagutom, at ibigay sila sa ilalim ng kapangyarihan ng espada. Kaya hayaan ang kanilang mga kababaihan na mawalan at maging mga balo, at ang kanilang mga kalalakihan ay mapatay, at ang mga batang kalalakihan nila ay mamatay sa labanan sa pamamagitan ng espada.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Mga Panaghoy 1:15

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Mga Panaghoy 1:14Mga Panaghoy 1Mga Panaghoy 1:16 →