Lamentations 2:13
Ano ang masasabi ko tungkol sa iyo, anak na babae ng Jerusalem? Birheng anak ng Zion, ano ang maihahambing ko sa iyo upang aliwin ka? Kasing lawak ng dagat ang iyong pagguho. Sino ang magpapagaling sa iyo?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 60:2Pinayayanig mo ang lupain; pinaghiwa-hiwalay mo ito; pagalingin mo ang pagkakasira nito, dahil ito ay nayayanig.
Jeremiah 8:22Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang anak ng aking mga tao?
Jeremiah 14:17Sabihin mo ang salitang ito sa kanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha sa araw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkat magkakaroon ng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ng aking mga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.
Jeremiah 30:12Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang iyong pinsala ay hindi na magagamot at ang iyong mga sugat ay naimpeksiyon na.
Jeremiah 30:15Bakit ka humihingi ng tulong para iyong pinsala? Hindi na magagamot ang iyong sakit. Dahil sa napakarami mong kasamaan at hindi mabilang mong mga kasalanan, ginawa ko ang mga bagay na ito sa iyo.
Lamentations 1:12Wala bang halaga sa inyo, kayong lahat na dumaraan? Pagmasdan at tingnan kung mayroong kalungkutan kaninuman tulad ng kalungkutan na nagpahirap sa akin, yamang pinahirapan ako ni Yahweh sa araw ng kaniyang mabagsik na galit.