Lamentations 2:19
Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 1:15Sumagot si Ana, “Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh.”
Job 3:24Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
Psalms 42:8Pero uutusan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan sa umaga; sa gabi kasama ko ang kaniyang awit, ang panalangin sa Diyos ng buhay ko.
Psalms 63:4Kaya pagpapalain kita habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
Psalms 119:147Bumabangon ako bago sumikat ang araw at humihingi ng tulong. Umaasa ako sa mga salita mo.
Psalms 141:2Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.