Lamentations 2:5
Naging tulad ng isang kaaway ang Panginoon. Nilamon niya ang Israel. Nilamon niya ang lahat ng kaniyang mga palasyo; winasak niya ang kaniyang mga matibay na tanggulan. Dinagdagan niya ang pagluluksa at pananaghoy sa anak na babae ng Juda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 25:9Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang bawat mahalagang gusali sa lungsod.
Job 19:11Pinasiklab din niya ang kaniyang galit laban sa akin; tinuturing niya ako bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
Isaiah 29:2Pero sasalakayin ko ang Ariel, at siya ay magluluksa at mananaghoy; siya ay magiging tulad ng Ariel sa akin.
Jeremiah 9:17Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.
Jeremiah 30:14Kinalimutan ka na ng lahat ng iyong mga mangingibig. Hindi ka nila hahanapin sapagkat sinugatan kita kagaya ng sugat ng isang kalaban at pagdidisiplina ng isang malupit na panginoon dahil sa iyong napakaraming kasamaan at mga hindi mabilang mong mga kasalanan.
Lamentations 2:2Nilamon at nawalan ng habag ang Panginoon sa buong bayan ni Jacob. Sa kaniyang poot pinabagsak niya ang mga matitibay na lungsod ng anak na babae ng Juda; ihinampas niya sa lupa sa kawalan ng dangal at kahihiyan ang kaharian at ang kaniyang mga prinsipe.