Mga Panaghoy 4:20
Ang hininga sa mga butas ng aming ilong, ang pinahiran ni Yahweh—na aming hari, ay nahuli sa kanilang mga hukay; siya ang aming hari na aming sinasabi, “'Mabubuhay kami sa ilalim ng kaniyang pangangalaga kasama ng mga bansa.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 2:7Si Yahweh na Diyos ay ginawa ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging buhay na nilalang.
Judges 9:15Sinabi ng palumpong na tinik sa mga puno, 'Kung tunay na gusto ninyong pahiran ako bilang hari sa inyo, sa gayon pumunta sa akin at maging ligtas sa ilalim ng aking lilim. Kung hindi, hayaang lumabas ang apoy sa palumpong na tinik at hayaan itong sumunog sa mga sedar ng Lebanon.'
1 Samuel 12:5Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.”
1 Samuel 24:6Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag nawang ipahintulot ni Yahweh na gawin ko ang bagay na ito sa aking panginoon, na hinirang ni Yahweh, para iunat ko ang aking kamay laban sa kanya, sapagkat hinirang siya ni Yahweh.”
1 Samuel 26:9Sinabi ni David kay Abisai, “Huwag mo siyang patayin, sapagkat sino ang mag-aabot ng kanyang kamay laban sa hinirang ni Yahweh at hindi magkakasala?”
2 Samuel 1:14Sinabi ni David sa kaniya, “Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?”