Mga Panaghoy 5:22
maliban na lamang kung kami ay tunay na tinanggihan at labis ang iyong galit sa amin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But thou hast utterly rejected us; thou art very wroth against us.
In Context
Cross References
Psalms 44:9Pero ngayon, kami ay iyong itinapon, at dinala kami sa kahihiyan, at hindi mo na sinasamahan ang aming mga hukbo.
Psalms 74:1O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan? Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
Isaiah 64:9Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.
Jeremiah 14:19Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
Ezekiel 24:13Ang iyong nakakahiyang pag-uugali ay nasa iyong karumihan, dahil nilinis kita, ngunit nanatili ka paring marumi. Hindi ka parin magiging malaya mula sa iyong karumihan hanggang humupa ang matinding galit ko sa iyo.
Hosea 1:6Nagbuntis muli si Gomer at nagsilang ng isang anak na babae. At sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ruhama, sapagkat hindi na ako mahahabag sa sambahayan ni Israel, ni dapat ko pa silang patawarin.