Leviticus 11:25
Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
24Magiging marumi kayo hanggang sa gabi kung hahawakan ninyo ang patay na katawan ng isa sa mga ito.
Cross References
Exodus 19:14Pagkatapos bumaba si Moises mula sa bundok patungo sa mga tao. Inihandog niya ang mga tao kay Yahweh, at hinugasan nila ang kanilang mga damit.
Leviticus 11:40At kung sinuman ang kumain sa katawan ng patay na hayop na iyon ay lalabhan niya ang kaniyang damit at magiging marumi hangggang gabi. At sinumang pumulot sa gayong patay na hayop ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at magiging marumi hanggang sa gabi.
Leviticus 14:46Bilang karagdagan, sinumang pupunta sa bahay sa panahong sinarhan ito ay magiging marumi hanggang gabi.
Leviticus 15:5Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
Leviticus 15:13Kapag siya na nagkatulo ay nilinis na mula sa kaniyang tulo, kung gayon ay dapat siyang bumilang ng pitong araw para sa kaniyang paglilinis; pagkatapos dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng umaagos na tubig. Pagkatapos siya ay magiging malinis.
Leviticus 16:26Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.