Leviticus 11:44
Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos. Samakatuwid ialay ang inyong sarili sa akin at magpakabanal dahil ako ay banal. Hindi ninyo dapat dungisan ang inyong sarili sa anumang uri ng hayop na gumagalaw sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:6Ikaw ay magiging kaharian ng mga pari at isang banal na bayan para sa akin. Ito ang mga salitang dapat mong sabihin sa bayan ng Israel.”
Exodus 22:30Dapat din ninyong gawin sa inyong mga baka at sa inyong tupa. Dahil sa loob ng pitong araw mananatili sila sa kanilang mga ina, pero sa loob ng ikawalong araw dapat ninyong ibigay sila sa akin.
Leviticus 10:3Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron.
Leviticus 18:2“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Leviticus 19:10Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.