Levitico 14:12
Kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at iaalay ito bilang isang paghahandog sa pagkakasala, kasama ang lalagyan na may langis; itataas niya ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:2O kung sinuman ang makakahipo ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos bilang marumi, maging patay na katawan ito ng isang marumi na mabangis na hayop o katawan ng anumang mga hayop na patay, o gumagapang na hayop, kahit na hindi sinasadyang mahipo ito ng tao, siya ay marumi at nagkasala.
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 6:6Pagkatapos dapat niya dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad para sa kasalanan: isang lalaking tupa mula sa kawan na walang dungis na nagkakahalaga ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan sa pari.
Isaiah 53:10Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.