Leviticus 16:21
Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:4Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at pagkatapos tatanggapin ito sa ngalan niya para gawing kabayaran ng kasalanan para sa kanyang sarili.
Leviticus 26:40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
Nehemiah 1:6Pakinggan mo ang aking panalangin at buksan mo ang iyong mga mata, para marinig mo ang panalangin ng iyong lingkod na aking ipinanalangin sa harapan mo araw at gabi para sa mga bayan ng Israel na iyong mga lingkod. Ipinagtatapat ko ang mga kasalanan ng mga bayan ng Israel, na kami ay nagkasala laban sa iyo. Ako at ang tahanan ng aking ama ay nagkasala.
Psalms 32:5Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. Selah
Proverbs 28:13Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.
Daniel 9:3Iniharap ko ang aking mukha sa Panginoong Diyos, upang hanapin siya sa pamamagitan ng panalangin at mga kahilingan, ng pag-aayuno, at pagsuot ng magaspang na tela at pag-upo sa mga abo.