Levitico 16:34
Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon.” At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:10Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
Leviticus 3:17Magiging isang permanenteng batas ito sa lahat ng mga salinlahi ng inyong bayan sa bawat lugar na gagawan ninyo ng inyong bahay, na dapat hindi kayo kakain ng taba o dugo.”'
Leviticus 23:31Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
Numbers 29:7Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Dapat kayong magpakumbaba at hindi magtrabaho.
Hebrews 9:25Hindi siya nagpunta doon upang madalas na ihandog ang kaniyang sarili, katulad ng ginagawa ng pinakapunong pari, na pumapasok sa kabanal-banalang lugar taun-taon na may dalang dugo.
Hebrews 10:14Dahil sa pamamagitan ng isang handog ay kaniyang ginawang ganap magpakailanman ang mga taong inihandog sa Diyos.