Leviticus 16:4
Dapat siyang magsuot ng banal na linong tunika, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit pangloob sa kanyang sarili, at dapat siyang magsuot ng linong sintas sa baywang at linong turbante. Ito ay mga banal na damit. Dapat niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig at damitan ang kanyang sarili ng mga damit na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:39Dapat kang gumawa ng kasuotang gawa sa pinong lino, at dapat kang gumawa ng isang turbante na pinong lino. Dapat ka ring gumawa ng isang sintas, na gawa ng isang taga-burda.
Exodus 30:20Kapag pumasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod sa akin sa pagsusunog ng handog, dapat silang maghugas ng tubig sa gayon ay hindi sila mamatay.
Exodus 40:12Dapat mong dalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at dapat mong hugasan sila ng tubig.
Leviticus 6:3o nakakita ng isang bagay na nawala ng kaniyang kapwa at nagsinungaling tungkol dito, at nanumpa sa pagsisinungaling, o sa mga bagay na katulad nito na nagkasala ang mga tao,
Leviticus 8:6Dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at hinugasan sila ng tubig.
Isaiah 53:2Dahil lumaki siya sa harapan ni Yahweh gaya ng isang supling, at gaya ng isang usbong sa tigang na lupa; wala siyang taglay na kapansin-pansin na hitsura o kaningningan; noong makita namin siya, walang kagandahan para kami ay maakit.