Levitico 18:8
Huwag kayong sumiping sa alinmang mga asawa ng inyong ama; hindi ninyo dapat lapastanganin ang inyong ama tulad nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The nakedness of thy father’s wife shalt thou not uncover: it is thy father’s nakedness.
In Context
Cross References
Genesis 35:22Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki.
Leviticus 20:11Ang lalaking sumisiping sa asawa ng kanyang ama para makipagtalik sa kanya ay nagdulot ng kahihiyan sa kanyang sariling ama. Kapwa ang anak na lalaki at ang asawa ng kanyang ama ay tiyak na papatayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
Deuteronomy 23:1Sinumang lalaki na ang kanilang mga pribadong bahagi ay nadurog o naputol ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
2 Samuel 16:21Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo.
Amos 2:7Tinatapakan nila ang ulo ng mga mahihirap gaya nang pagtapak ng mga tao sa alikabok sa lupa; palayo nilang ipinagtutulakan ang naapi. Ang mag-ama ay sumisiping sa iisang babae at nilalapastangan ang aking banal na pangalan.