Levitico 19:31
Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Leviticus 20:6Ang isang taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa patay, o sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu para isama ang kanilang sarili ssa kanila, haharap ako laban sa taong iyon; tatanggalin ko siya mula sa kanyang bayan.
Deuteronomy 18:10Walang dapat na makitang isa sa inyo na ginagawang padaanin ang kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae sa apoy, sinumang gumagawa ng panghuhula, sinumang nagsasanay ng hula, o alinmang mang-aakit, o alinmang mangkukulam,
1 Samuel 28:7Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, “Hanapan ninyo ako ng babaeng umaangking nakikipag-usap sa mga patay, upang makapunta ako sa kanya at hingin ang kanyang payo.” Sinabi ng kanyang mga lingkod sa kanya, “Tingnan mo, mayroong isang babae sa Endor na umaaangking nakikipag-usap sa mga patay.”
2 Kings 21:6Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
2 Chronicles 33:6Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.