Levitico 19:9
Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:22Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'”
Deuteronomy 24:19Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay.
Ruth 2:2Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”
Ruth 2:15Nang tumindig siya para mamulot, inutusan ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki, sinasabing, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa mga binigkis, at huwag magsasabi ng kahit anong masama sa kaniya.