Leviticus 2:3
Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natirang butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:37Sa pitong araw dapat kang gumawa ng pambayad para sa kasalanan para sa altar at italaga ito kay Yahweh. Pagkatapos ang altar ay ganap na italaga sa akin. Anumang paghahawak sa altar ay ibubukod para kay Yahweh.
Leviticus 5:13Gagawa ang pari sa ikapapatawad ng anumang kasalanan na nagawa ng tao, at ang taong iyon ay patatawarin. Magiging pag-aari ng pari ang mga natira mula sa handog, gaya din ng handog na butil.”'
Leviticus 6:16Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa handog. Dapat ito kainin nang walang pampaalsa sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 7:7Ang handog para sa kasalanan ay katulad ng handog na pambayad para sa kasalanan. Parehong batas ang ginagamit sa dalawang ito. Nabibilang ang mga ito sa pari na siyang gumawa ng pambayad para sa kasalanan sa kanila.
Leviticus 10:12Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, “Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal.
Leviticus 14:13Dapat niyang patayin ang lalaking tupa sa lugar na kung saan nila pinatay ang handog para sa kasalanan at ang mga handog na susunugin, sa lugar ng tabernakulo, sapagkat ang handog para sa kasalanan ay pag-aari ng pari, pati na ang handog para sa kasalanan, dahil ito ay pinakabanal.