Leviticus 21:9
Sinumang anak na babae ng pari ang dudungis sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang babaeng bayaran ay ipinapahiya ang kaniyang ama. Dapat siyang sunugin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:24Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.”
Leviticus 20:14Kung pakasalan ng isang lalaki ang isang babae at pakasalan din ang kanyang ina, ito ay kasamaan. Dapat silang sunugin, kapwa siya at ang mga babae, upang hindi magkaroon ng kasamaan sa inyo.
Joshua 7:25Pagkatapos sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito.” Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila.
1 Samuel 2:34Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw.
Isaiah 33:14Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
Malachi 2:3Tingnan ninyo, sasawayin ko ang inyong kaapu-apuhan at ipapahid ko ang dumi sa inyong mga mukha, ang dumi ng inyong mga inalay at alisin kayo kasama nito.