Leviticus 22:13
Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:43Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito.
Leviticus 10:14Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
Deuteronomy 24:2Kapag siya umalis sa kaniyang bahay, maaari siyang umalis at maging asawa ng ibang lalaki.
Ezra 2:63Kaya sinabi ng gobernador sa kanila na hindi sila dapat kumain ng anumang mula sa banal na mga alay hanggang sa pahintulotan sila ng isang pari sa Umim at Tumim.