Levitico 23:17
Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:29Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki.
Exodus 23:19Dapat ninyong dalhin ang unang mga prutas na piling-pili galing sa inyong lupain sa aking bahay, ang templo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag mong ilalaga ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
Exodus 34:26Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”
Leviticus 7:13Pati rin ang para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat, dapat ihandog niya kasama ang kaniyang handog na para sa kapayapaan ang mga tinapay na niluto na may pampaalsa.
Numbers 15:17Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
Numbers 15:20Mula sa una ng inyong masang harina, dapat kayong maghandog ng isang tinapay upang itaas ito bilang isang itinaas na handog mula sa giikang palapag. Dapat ninyong itaas ito sa ganitong paraan.