Leviticus 23:3
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, ngunit sa ikapitong araw ay isang ganap na Araw ng Pamamahinga, isang banal na pagpupulong. Dapat hindi kayo magtatrabaho sapagkat ito ay isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:23Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'”
Exodus 16:30Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
Exodus 23:12Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla.
Exodus 34:21Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Isaiah 56:2Mapalad ang taong gumagawa nito, at sa sinumang mahigpit na humahawak dito. Sumusunod siya sa Araw ng Pamamahinga, hindi niya ito dinudungisan, at iniingatan ang kanyang kamay mula sa paggawa ng anumang kasamaan.”