Leviticus 24:11
Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Ikinulong siya hanggang ang hatol ni Yahweh ay ipahayag sa kanilang pasya.
Cross References
Exodus 3:15Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
Exodus 18:26Hinatulan nila ang mga tao sa mga karaniwang pangyayari. Dinala nila kay Moises ang mabigat na mga kaso, pero sila na mismo ang humahatol sa mga maliliit na mga kaso.
Leviticus 24:15Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
2 Samuel 12:14Gayunman, dahil sa gawaing ito inalipusta mo si Yahweh, tiyak na mamamatay ang batang isisilang sa iyo.”
1 Kings 21:13Dumating ang dalawang lalaki at umupo sa harapan ni Nabot; tumestigo sila laban kay Nabot sa presensya ng mga tao, na nagsasabing, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Pagkatapos siya ay nilabas nila sa lungsod at pinagbabato hangggang siya ay mamatay.
2 Kings 18:35Sa lahat ng mga diyos sa lupain, mayroon bang diyos na nakapagsagip ng kaniyang lupain mula sa aking kapangyarihan? Paano ililigtas ni Yahweh ang Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?”