Leviticus 25:39
Kung maging mahirap ang kapwa kababayan ninyo at ipagbili ang kanyang sarili sa inyo, hindi ninyo siya dapat pagtrabahuhin tulad ng isang alipin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 21:2Kung bibili ka ng isang lingkod na Hebreo, maninilbilhan siya sa iyo sa loob ng anim na taon at sa ikapitong taon makakaalis siya nang malaya at walang babayaran na anumang bagay.
Leviticus 25:46Maaari ninyong ibigay ang ganyang mga alipin bilang isang pamana sa inyong mga anak na kasunod ninyo, para panghawakan bilang ari-arian. Mula sa kanila ay maaari kayong palaging bumili ng inyong mga alipin, ngunit hindi ninyo dapat pamunuan ang mga tao ng Israel nang may pagmamalupit.
1 Kings 9:22Gayon man, hindi ginawang mga sapilitang manggagawa ang mga Israelita. Sa halip, naging mga sundalo sila at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga opisyales at kaniyang mga pinuno at mga pinuno ng kaniyang hukbo ng karwahe at kaniyang mga mangangabayo.
2 Chronicles 28:10At ngayon, gusto pa ninyong gawing alipin ang mga kalalakihan at kababaihan ng Juda at Jerusalem. Ngunit hindi ba kayo mismo ay nagkasala kay Yahweh na inyong Diyos?
Jeremiah 25:14Sapagkat marami rin sa ibang bansa at mga dakilang hari ang gagawing mga alipin mula sa mga bansang ito. Pagbabayarin ko sila sa kanilang mga gawa at sa mga ginawa ng kanilang mga kamay.”
Jeremiah 30:8Ito ang pahayag ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo. Sapagkat sa araw na iyon, babaliin ko ang pamatok sa inyong leeg at sisirain ko ang inyong mga tanikala, upang hindi na kayo alipinin ng mga dayuhan kailanman.